Lilypie Kids Birthday tickers

Saturday, January 27, 2007

HALO-HALONG UPDATE

There are a lot of things that I wanted to tell you but time is not mine to enjoy these days. Naging busy na ako sa aking new job and pati na rin sa "sidelines." So far, I am coping with my new work sched and my boss adores me! Hehe! Yeah, I'm not bragging. He always tells me that I am one of the best teachers in his school and that he considers me a blessing. Sounds uber diba but what can I say - it's his opinion so therefore I should respect it. Basta masaya lang talaga ako sa work ko ngayon. Sana next month maabot ko na yong target salary ko na "kasinglaki" ng kinikita ko noong nagtratrabaho pa ako sa Call Center.

Si hubby naman ay okay lang at maraming pinagkakaabalahan. At kahit na pasaway ako eh love na love pa rin nya ako. Hehe.

Anyway, nakalabas na si ate sa hospital. I'm so glad that she was able to recover quickly. Natrigger na naman kasi ang asthma nya dahil sa tonsilitis. Actually, ang tagal2x na nong last na inatake si ate ng asthma. Di ko na nga matandaan sa sobrang tagal pero dahil siguro sa stress at sa pabago-bagong weather kaya bumalik ulit. Sa ngayon, nagpapahinga muna sya at sa susunod na linggo na lang papasok sa work.

O sige, hanggang dito na lang muna. Manonood pa kami ni hubby ng Monster House. Ang tagal na naming binili ang 8-n-1 pirated DVD na ito pero dalawa pa lang talaga ang napapanood namin dahil sa sobrang busy.

Sa mga kapamilya ko nga pala sa Bisdak Republik, pasensya na talaga kayo at di ko na nabibisita ang mga tahanan nyo at di ko rin nagrigreet yong mga nag birthday at nagcelebrate ng anniversaries gaya nina ate Kookie, Carlotz, Malou and Vicky. Alam ko naman naiintindihan nyo ako pero naguguilty pa rin ako. Basta miss na miss ko na kayong lahat. Sana naman sa susunod isali nyo na ako sa tagay! Hahaha! Miss ko na rin yon eh.

"WALAY LAYO NGA KUGMO SA TAAS NA KUKO." I hope it touches you life today. Very, very inspirational...

0 comments:

Post a Comment

 

Cherry's Comfort Zone Copyright © 2009 Cookiez is Designed by Ipietoon for Free Blogger Template